“The day I was born I was born free and that is my Privilege.”


A Beri Ispeysiyal Lab: Sir, Ga’no Ka-Close?
August 13, 2008, 12:57 pm
Filed under: All That Jazz!, Backdrop, Tabloid

Si SARAH GERONIMO AT ANG MAINGAY NA BABAE

Si Adelaida Magtalas o Laida sa kaniyang pamilya, ang Philippinized name na naisip ng iskripwrayter para sa female protaganist niya, ay isang “modern-day belle,” quoting Wikipedia, isang “simpleton,” ayon na naman sa Wikipedia, na may pagtingin sa mayamang si Miggy Montenegro — cliche — nag-iisang anak ni
Mr. Montenegro sa kaniyang pangalawang asawa at presidente ng isang soon-to-be-defunct na men’s magazine, ang The Bachelor.

Sa bungad, Tanging Ina revisited, si Laida habang naka-pantulog pa, sa medyo magulo pero naka-ispraynet niyang buhok na may highlights, na busy sa pag-aasikaso sa kaniyang mga kapatid na papasok sa iskuwela.

Sunod na larawan, sa loob ng sasakyan nila kasama ang kaniyang pamilya, na-overhaul si Sarah, may makukulay siyang bangles sa kanang kamay niya, naka-high heels, may lavender na palamuting bulaklak ang coat niya, may fancy leather bag na kulay green, at siyempre andiyan ang naka-ispraynet niyang buhok na may highlights pa din. Hawak niya ang folder niyang kulay pink na may disenyong calculator at ang ballpen na may yellow na bulaklak sa dulo. ‘Yan siguro yung “modern-day belle” sa description ng Wikipedia. Naalala ng friend ko si Jolina sa kaniya.

Parang Araby ni James Joyce yung enlightenment ni Laida matapos siyang mapahiya sa isang meeting at sabihan ni Miggy na, “Maybe you can’t even say the word ‘sex.’ I don’t need your opinion. I just need you to do your job.” Napaluha ang modern-day belle sa kaniyang mga tinuran.

Lumabas ang isyu ng conditional at unconditional love. Wala daw konsepto ng “unconditional love” ang complicated na si Miggy, lalaki, samantalang si Laida, babae, through her neutral family, can use it in a sentence. Nagtalo sila sa ilalim ng ulan. Whiny sa ulan si Miggy habang nakikinig at may hawak na golf umbrella si Laida. What a scene!

Si JOHN LLOYD CRUZ AT ANG MITO NG PAGKALALAKI

Miggy Montenegro, Laida Magtalas’s love interest — kaakibat ng pangalan ang posisyon nila sa social hierarchy — is “the youngest of the Montenegro clan, a well-established family in the business world.”

In a supposed-to-be dramatic scene, Miggy said his memorable line for me:

Laida: Naramdaman kong ang tiring na mahalin ka sa ganiyang ugali mo, sa ganiyang pananaw mo sa buhay, sa pamilya mo. Minsan conceited ka, pero nagpaka-martir akong mahalin ka. At na-feel ko lang recently pagod na ako, you know, exhausted.
Miggy: Ako rin, tri-ny kong mahalin ang sarili ko at nahirapan din ako. (I was waiting for a “NYIII” pero wala eh. LOLs)

Sa maingay na kalsada ng kung iisipin ko ay sa Maynila, nasa loob ng fx si Laida kausap si Violy, isa niyang officemate, sa kaniyang cellphone. Ipinapakiusap ni Violy kung puwede na sabihin sa kaniya kung bababa na siya ng fx.

Bumaba na si Laida. Bumungad sa kaniya ang isang truck sa kabilang lane ng kalsada. May humunguous banner na may sulat na “I’m sorry.” Tumigil ang truck at nag-play sa ere ang revival na kanta ng MYMP.

“Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim. Kahit anong gawing lambing di mo pinapansin.”

Bumukas ang truck, laman sa loob ang isang banda. Umalis ang truck upang ipakita si Miggy, ang may-ari ng “malamyang” tinig. Iisipin ng ilan na pumarada lang somewhere near ang truck kung nasaan ang sound system, pero busy ang kalsada, sagabal sa mga motorista ang truck. Using a chordless mic and subwoofers hidden in the bushes, Miggy continuously sang for her beloved Laida. Sur-round!

May impact yung portrayal ni John Lloyd, eksena, isang umaga sa kaniyang condo, may sakit siya, nakahiga sa sofa, nanginginig, may hawak na laruang tren. Dumating si Laida dala ang draft ng mga articles para sa anniversary issue ng magazine. The camera focused on Miggy’s near-hallucination at ang pang-mayamang laruan na train set. Upon learning that he is sick, though, for me I thought he became mentally-ill, she takes care of Miggy. At that time, we were expecting a box of paracetamol biogesic in the cabinet, but it is nowhere to be found. 😀

Denouement under the rain, the characters’ last chance to perform the sun dance, I guess.

—————————————————————————————–

For a chick flick, it’s quite a fun watch, especially when you’re seeing it with Friends even if they almost throw a ball at me for racking my vocal chords for JL. I was reminded that we just played basketball before we watched the film, so hindi talaga abstract ang bola.

And there is something about Sarah that I like, siguro yung bangles niya and JL is pulchritudinous. Yes! Hahaha.. 😀

—————————————————————————————–

** Si Rosanna Roces at ang Maingay na Babae
** Si Richard Gomez at ang Mito ng Pagkalalaki

Advertisements

Leave a Comment so far
Leave a comment



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: